Chapter 26 – I'm Back, This Time It's Personal

Written in Taglish

I thought I cancelled the subscription. The due was 24th, I checked the site and it's up and running with the Pro features. GG lang, at P500 din yung kaltas sa debit card. Di bale na lang, sulitin ko na lang hangga't may natitira pang oras ngayong 2022.

Ano ba ang mga pinagbago? Siguro para sakin, I gained weight. All the busyness at work engulfed me, nilamon ako ng trabaho ever since 2020. On the other hand we're trying or by the grace and mercy of God, ibinabalik natin muli yung apoy ng nakalipas, when it comes to faith not romance. God is always faithful, the only issue is us, humans.

I'll talk a little about a layunin for 2023. Siguro balik alindog at balik kay Lord, at siguro love life?

Though I'm eyeing someones (plural). Ang problema lang, hindi ko alam saan ako lulugar, hindi ako marupok (sunog lang), siguro pessimistic lang talaga sa bagay na yun (romance) and then part of me thinking I hope someone, a person, break that barrier parang sound barrier. Yung bang pag nag crash siya sakin, totoo ba ito or nanaginip ka lang?, akala mo siya ako?, maitim po ako ha baka maputi siya. Ayoko lang madisappoint ka (kasi ako sanay na) at alam mo na, di sapat ang kaskas papaya.

Alam ko yung mga bagay na kaya kong gawin once tumawid ako ng bakod papunta kung sino man siya (but not that line, OMG, ililibing ko na sarili ko). Ate andito na me, carrying all those red flags, ano suko na? sa pusali na ba ako? doon ka na kay kuya lodi (by the way this is Christian romantic relationship context ha)

On the other side of the bakod, they are waiting for there Boaz. On this side of the bakod, I'm waiting for a Rebekah. Baka naligaw lang kasi Lalamove ginamit instead Angkas, pambihirang Waze yan.

Siguro aamin na lang ako by January para masaya kahit DM na lang, di magkita sa personal eh.

Uhm, _____-san daisuki-desu!

confession

Tapos rejected.

Boom wasak ang 2023.

P.S. My cheesy line would be: If I ever find right in your eyes, would it be possible that I get involve in your life and also in your heart? basta yun na yun, if ever hindi rin naman yung sagot. Uwian na.

P.S.S. Spammer pala ko ng love letter nung HS, sa isip-isip ko lang. At least kasal na siya. Gusto ko na tumalon sa tulay. Londo bridge para sosyal, ipon muna ko pamasahe.