Chapter 16 – A Web Log

Sa Kabilang Dako

Ang buhay ng tao parang gulong. Minsan nasa taas, minsan nasa baba. Yung iba, walang gulong, kaya nagulungan na lang. Yung gulong ng palad naging nagulungang palad na. Tapos traksikel pa nakadali, eh plat pa? Nadali na.

Ano ba pakiramdam ng kaning lamig na naitsapwera na, kasi may bagong saing na eh? Sinong ba titira ng bahaw na matigas? Kasi pag nilagay mo naman sa ibabaw ng bagong saing baka mapanis agad. Di bale na lang kung yung bahaw eh kagabi o kanina lang sinaing at naka-fridge siya.

Unang baitang pa lang yung kaning lamig. Susunod doon eh yung para ka na lang hangin. Trahedya sa lahat yun. Pinilit mong makarating, dumaong ka naman pero walang tauspusong tumanggap sayo. Hangin ka nga.

Siguro maglokohan na lang ta'yo ne?

#weblog